AWIT
NG BAYAN NG BALER
Lyrics by: Modesto
D. Labini Jr
Music by: Noel A.
Manzano
I
Ikaw ang Ama ng aming kasaysayan
Aming gabay at aming tanggulan
Kahit kailan sami’y di Ka nagkukulang
Ikaw ang Diyos ng aming bayan
II
Pasasalamat ang alay nitong aming bayan
Sa pag – unlad at pag – angat na aming
nararanasan
Mula noon hanggang ngayon at
magpakailan man
Ikaw ang Diyos ng aming bayan
CHORUS
Labis ang galak sa pag –angat
Ng kabuhayan ng Baler
Bayang puno ng iyong himala
Kami’y iyong pinagpala
Kamangha – mangha ang iyong gawa
Walang hanggan ang ‘yong awa
Kulang ang awit at tula
Bilang handog ng bayan ng Baler
Tunay na pinagpala itong aming bayan
Mula dagat, ilog at mga kabundukan
Ang pambihirang kagandahan ng nilikha
mong kalikasan
Ikaw oh Diyos and siyang pinagmulan
This song was sung last August 19, 2014 during the Commemorative Program of Baler Town Fiesta.
No comments:
Post a Comment